Impormasyon sa Disaster Prevention Para sa mga Dayuhang Residente
Sa mga nangyaring kalamidad sa ibat ibang bahagi ng bansang Japan, may ilang sitwasyon kung saan ang mga dayuhang residente ay naiwan at napabayaan. Pinangangambahan din ang posibleng maganap na lindol sa hinaharap sa mga lugar ng Tokai, Tonankai, Nankai. Ligtas ba ang sistema nang suporta sa inyong komunidad?
Seminar tungkol sa Disaster Prevention para sa Dayuhang Residente
Sa mga dayuhang residente na naninirahan dito sa Mie, may ilan sa kanila na nanggaling sa mga bansa walang karanasan tungkol sa lindol. Dito sa bansang Hapon, mula nursery at kindergarten, ang mga bata ay sinasanay na kung paano ang lumikas kung may darating na kalamidad. Halos lahat ng mga residenteng Hapon ay may kaalaman na tungkol sa Disaster prevention at pamamaraan upang mabawasan ang pinsala subalit ang mga importanteng impormasyon na ito ay maaring hindi pa umaabot sa pandinig ng ibang mga dayuhang residente. Upang mailigtas ang sariling buhay at ang buhay ng buong pamilya, ano ang mga nararapat o kailangan gawin sa mga panahon ito. Ito ang pinagkakaabalahan sa kasaluyan at nais ipaabot sa lahat, kung kaya’t ang disaster prevention seminar ay inilulunsad. Para sa mga paaralan, resident’s community group, simbahan at mga banyagang restaurant an at iba pa na nagnanais alamin ang mga bagay tungkol dito , makipag -ugnayan po lamang sa mga namamahala nito.
Disaster Information (mayroong bersyon ng iba't ibang wika)
Mie Earthquake Prevention Guide Book |
Information Sheet para sa Disaster Prevention |
Paghahatid ng Leksyon at Eksperimento mula sa mga Tauhan ng Disaster Prevention
Sa Mie, isinasagawa ang pagsasanay ayon sa kahilingan mula sa paaralan para sa mga mag-aaral at kanilang magulang. Ito ay naglalaman ng mekanismo ng lindol at tsunami, paghahanda sa oras ng pangangailangan at ginamitan ng videos at presentasyon upang mas madaling maintindihan. Para sa karagdagan impormasyon, ipinapakita rin dito ang ilang halimbawa ng earthquake resistance para maiwasan ang pagtumba ng mga kasangkapan sa loob ng bahay.
Target na kalahok | Para sa mga katanungan at impormasyon |
Pang-bata | Mie Board of Education Educational Affairs Division School Disaster Prevention Group E-mail: kyoiku@pref.mie.jp |
Pang-matanda (Mie Transmission Talk) | Mie Disaster Prevention Measures Section Diaster Planning and Regional Support Division TEL: 059-224-2185 FAX: 059-224-2199 E-mail: jishin@pref.mie.jp Mie Transmission Talk Application Counter: Mie Prefecture Public Relations Division Residents Consultation Group |
Impormasyon sa Oras ng Kalamidad
Bousai Mie | Nihongo (may serbisyong mail transmission) English, Chinese, Korean, Portuguese, Spanish |