Sistema Para sa Interpretasyon at Translasyon

Sa paligid natin maraming mga dayuhang residente ang naninirahan. Dito sa lugar ng Mieken, ayon sa talaan ng taong 2015 ng Disyembre, tinatayang ang bilang ng mga dayuhan nakarehistro ay umaabot sa 41,625 katao. Ang MIEF ay sumusuporta sa sa pamamagitan ng pakikipag-komunikasyon sa nihongo at iba pang banyagang salita tungo sa ika-uunlad ng multi-kultural na lipunan.

"Ibig kong ipa-salin ang mga impormasyon sa aming lugar para maintindihan ng mga residenteng dayuhan!"

"Kinakailangan ng isang interpreter para sa mga dayuhan na bumibisita dito sa Japan pati na rin sa mga briefing session!"

"Ibig kong ipakilala ang kultura ng ibang bansa!Upang maintindihan ang iba't ibang kultura ng bansa, maaring mangailangan ng isang lekturer para dito!"

Sa ganitong sitwasyon, ang sistema ng translasyon at interpretasyon ng MIEF ay ipinakikilala! Batay sa kahilingan ng rehiyon, ipinakikilala at nagpapadala din ang MIEF ng katutubong tagapag-turo ng iba't ibang lektura. Para sa mg babayaran at iba pang impormasyon, tumawag lamang sa MIEF (059-223-5006).

Gayundin, patuloy ang aming pagtanggap ng mga partners para sa translasyon at interpretasyon!

Paraan ng pagpaparehistro para sa partners ng interpretasyon at translasyon

Kailanganng punan ang Aplikasyon para sa translasyon at interpretasyon ng nararapat na impormasyon at ipadala sa MIEF. Ipapa-aalam sa inyo ang schedule ng interview. Sa interview, susukatin ang inyong kaalaman sa nihongo.

Rehistradong Wika Portugese, Espanol, Ingles, Intsik, Koreano, Filipino, Thai, Vietnam, Indonesia, Russia, at iba pa ( para sa iba pang lenguahe, maari ring ipalista)
Kakayahan sa Wika

Batay sa kahilingan ng sitwasyon hanggang sa kasalukuyan, ito ay ang mga sumusunod;

Interpretasyon: Makapagbibigay ng interpretasyon para sa iba't ibang konsultasyon at lektura (briefing).

Translayon: May kakayahang magbigay ng translayon sa mga patakaran, sistema at iba't ibang impormasyon na nakasulat.

※ Para sa salitang Ingles, kinakailangan na may hawak ng English Proficiency Test level 1 o TOEIC score na 820 pataas at kailangang aprubado ng tauhan ng MIEF. Para sa ibang wika, walang ibang kailangan.

Impormasyon para sa pagsali bilang 'Partners ng Translayon at Interpretasyon'(PDF:177)
Aplikasyon para sa pagpaparehistro bilang 'Partners ng Translasyon at Interpretasyon'(WORD:25KB)

Mga resulta ng aktibidad sa taong 2015

◆Interpretasyon: Meeting ng magulang at guro sa paaralan, seminar para sa disaster preventiion, iba't ibang konsultasyon at briefing, reception, tourism summit at iba pa. 154 request (154 katao)

◆Translasyon: Dokumento para sa abiso, polyeto (brochure), iba't ibang pagsasanay at gabay pang-materyal, pag-iwas sa natural na kalamidad, leaflets at flyers ng mga kaganapan, tulong kaugnayan sa residente, at mga katanungang pang-kalusugan. 90 request (158 katao)

Bayad para sa interpretasyon at translasyon

Bilang gastos para sa pamamahala ng sistema ng interpretasyon at translasyon, hinihiling ang kabayaran na nakasulat sa ibaba.

Interpretasyon

Ayon sa prinsipyo (tuntunin) 1 oras / \1,000

Karagdagan kung kinakailangang bayaran ang transportasyon at pagkain(\500) ※Pagkain: Para sa interpretasyon mula umaga hanggang hapon o paglabas ng hapon.

Translasyon

Ayon sa prinsipyo (tuntunin) \1000/pahina (400 na letra o simbulo)

*May karagdagang bayad kung kinakailangang ayusin o suruin ang translasyon.

Lekturer para sa Pambansang Pag-unawa

Ayon sa prinsipyo (tuntunin) 1 oras / \2,000

Karagdagan kung kinakailangang bayaran ang transportasyon at pagkain(\500) ※Pagkain: Para sa lektura mula umaga hanggang hapon o paglabas ng hapon.

Bayad sa paggamit ng sistema

Request para sa Interpretasyon/Lekturer para sa pambansang pag-unawa: kada 1 wika/1 tao \3,000 (\1,500) /1 araw

Request para sa Translasyon: kada 1 wika/1 tao \3,000(\1,500)/1 araw

(Paalala #1) ( ) na nakasulat na halaga ay para lamang sa mga 'supporting member' ng MIEF (pribado/grupo)

(Paalala #2) Ang bayad para sa interpretasyon o translasyon ay ibibigay sa 15th ng susunod na buwan pagkatapos ng schedule.

(Paalala #3) Ang request ay kinakailangang mula 5 (limang) araw(*) hindi kasama ang araw ng request date at implementation date. Kung ang request ay biglaan (wala sa isang linggo), madadagdagan ng 20 porsyento ang babayaran (para sa 'rush request'). (*) Araw na may opisina:Lunes hanggang Biyernes

(Paalala #4) Kung magka-kansela ang request para sa lecturer for international understanding o translasyon, isang linggo bago sa nakatakdang schedule (di kasama ang araw ng unang pagkansela at araw ng implementasyon) ay babayaran ang kalahati ng "system usage fee". Samantala, ang request para sa kanselasyon ng translation at interpretation sa araw mismo ng nakatakdang schedule, ay buo ang babayaran (kasama ang system usage fee at fee para sa interpretation o translation).

(Paalala #5) Para sa mga 'advanced professional interpretation at translation', depende sa nilalaman ng request ay maaring maiba ang babayaran para dito.

(Paalala #6) Para sa pagsisingil (billing) ng interpretasyon, translasyon at lekturer (pambansang pang-unawa), ang MIEF ang magsasagawa nito. Para naman sa kabayaran ng interpretasyon, translasyon, lekturer at bayad sa paggamit ng sistema mula sa nag-request ay kailangang bayaran sa sa MIEF ng isang bayaran lamang. Upang mapa-ayos ang daloy para sa nag-request, maaring ang opisina na ang magbigay ng bayad sa partners.

(Paalala #7) Para sa request ng translation, maari lamang na ipasa ang data sa Word o Excel File.

Mga pamamaraan para sa aplikasyon

Isulat ang mga nararapat na impormasyon para sa aplikasyon sa kahilingan ng interpretsyon at translasyon. Hinihiling na ipasa ng maaga ang request para sa aplikasyon. Pinakamababa na ang 21 na araw o 3 linggo bago ang araw ng schedule o deadline.

Bago ipasa ang request para sa translasyon

◆Manuscript (nilalaman) ng translasyon

Upang malaman ang nilalaman ng translayon, ipadala lamang ang 'data file' gamit ang Excel o Word file (kung ang file ay nasa-PDF, siguraduhin lamang na napalitan ito ng Excel/Word file).

◆Translayon para sa larawan o talaan (graphs)

Para sa translasyon na may larawan at talaan (graphs), maaring i-translate ang nakasulat na salita dito. Gayunpaman, maari ring gumawa ng larawan o graphs ayon sa ibig ng nag-request subalit ito ay may panibagong bayad (simula \500).

◆Para sa nag-rerequest ng 'native check'

Ang 'native check' ay kung saan ang na-translate na artikulo ay uulitin ang pag-check kung ito ay may mali o wala. Para sa 1 pirasong A4 na papel ng leaflet, ito may kasama ng native check. Nangangailangan din ng parehong translasyon at native check na nakasaad sa ibaba;

(1) Kung ang translasyon ay kinakailangang suriing mabuti lalo na kung ito ay tungkol sa pampublikong dokumento at kung saan ang artikulo ay naayon sa sinasabi ng nakasulat sa wikang Hapon.

(2) Kinakailangan din ng native check kung halos lahat ng translasyon na nakasulat ay dapat baguhin.

Paraan ng pag-request para sa interpretasyon/translasyon

Isulat ang nararapat na impormasyon sa 'Aplikasyon para sa interpretasyon, translasyon at lekturer' at ipadala ito sa MIEF. Tatanungin din sa telepono ang nilalaman ng interpretasyon/translasyon bago ang takdang schedule upang mapaayos ang daloy nito. Gayundin, para sa 'data file' ng translasyon kinakailangan na nasa Word/Excel file ito at kung maaring may nakasulat na rubi (katakana/hiragana sa itaas ng kanji) bago ipasa.

Gabay sa paggamit ng Sistema para sa Interpretasyon/Translasyon Partners (PDF:235KB)
Aplikasyon para sa Interpretasyon/Translasyon/Lekturer para sa Pambansang Pag-unawa (WORD:33KB)
Kumpirmasyon para sa Aplikasyon ng Interpretasyon/Lekturer (WORD:44KB)

Paki-usap para sa ibig sumali bilang 'Supporting Member'

Ang membership bilang (PARTNER) ay para sa mga taong nagnanais magbigay ng kanilang direktang kontribusyon para sa katuparan ng layunin ng MIEF.
Ang kontribusyon mula sa mga miyembro ay napakahalaga sa MIEF dahil ito ang isa sa pamamaraan kung paano namin mapapaunlad ang proyektong katulad ng sistema ng interpretasyon at traslasyon.
Ang miyembro ay magkakaroon ng pribilehiyong kalahati lamang ang babayaran para sa paggamit ng sistema ng interpretasyon/translasyon at padadalhan din ng kopya ng "MIEF NEWS". Para naman sa mga partners na ibig maging miyembro ay \1,000 lamang ang babayaran. Para sa mga detalye bisitahin po ang website ng MIEF (membership- Link) o maari kayong tumawag sa tanggapan ng MIEF sa tel: 059-223-5006.

Admisson Fee: Walang bayad

Membership Fee (Isang Taon) : Pribado: \3,000/ Partner’s membership: \1,000 Group/:\ 12,000

ページトップへ