PAGSULONG PARA MAPABUTI ANG PROGRAMA PARA SA DISASTER PREVENTION ( Programmed by Ise Shi Office )
Bilang tugon sa komisyon mula sa siyudad ng Ise, gaganapin ang practical and management training para sa mga evacuation shelters na may layunin ng foreign correspondence force upang mapabuti ang mga shelters. Pagtatagubilin ng maraming wika para mapabuti ang pakikipag-kominikasyon at isaalang-alang ang epektibong paghahatid ng impormasyon sa mga dayuhan sa oras ng kalamidad.
Sa karagdagan, para sa pamamahala tungkol sa pagsasanay sa mga evacuation shelters, isinasagawa ang version ng lunsod ng Ise na "Tsutawaru Kit" upang mapag-aralan at mapabuti ito.
Mga konkretong nilalaman ng Proyekto:
1. Pagsasagawa ng pulong para sa pagpaplano
Mga residenteng dayuhan na nagpaplanong magsagawa ng grupo para magbigay ng suporta para sa mga dayuhan, nagsagawa ng meeting para sa pagpaplano sa pakikipagtulungan ng mga grupong dayuhan at kompanya na may empleyadong dayuhan upang mapag-aralan ang nilalaman ng proyekto sa pangangailangan ng rehiyon.
2. Pagsasagawa ng seminar tungkol sa disaster prevention para sa mga dayuhan
Pag-aaral tungkol sa disaster prevention at kung ano ang gagawin sa oras na dumating ito. Mag-aral at ma-experience and fire fighting, and paglikas at pag-rescue.
3. Pagsasagawa ng seminar tungkol sa evacuation shelter management
Pag-aaral sa pamamagitan ng pagsasanay kung papaano mamahala sa mga dayuhan sa oras ng kalamidad, mga kailangang bagay at pamamaraan. Ang tamang paggamit ng "Tsutawaru Kit".
4. Enhancement para sa "Transmission Information Kit"
Paggawa ng 17 sets ng "Tsutawaru Kit" at ipamahagi sa mga evacuation shelters.
■Lektura tungkol sa disaster prevention para sa mga Dayuhan -Tapos na-
Petsa/Oras | Ika-22 ng Enero 2017 (Linggo) 1:30~4:00PM |
---|---|
Lugar | Ise Disaster Prevention Center (Ise Shi Kusube-cho 159-1 TEL. 0596-25-5719) |
Detalye | Pag-aaral ng mga pangunahing impormasyon tungkol sa disaster prevention at pagsasagawa ng fire figthing at evacuation. |
Maaring sumali | Mga dayuhan sa Ise City(naninirahan, nagtatrabaho at nag-aaral sa Ise City) |
Bayad sa partisipasyon | Walang bayad |
Paraan ng pagsali | Sagutan ang aplikasyon o i-mail ang inyong pangalan, tirahan at telepono. Para sa ibig gumamit ng serbisyo ng interpreter o child care, sulatan lamang ang nararapat na impormasyon sa aplikasyon. |
Para sa Impormasyon | Mie International Exchange Foundation (MIEF) UST-Tsu Bldg. 3rd Flr., Hadokoro-Cho 700, Tsu-shi TEL:059-223-5006 / FAX: 059-223-5007 / E-mail: mief@mief.or.jp |
■ Manangement training para sa pagbibigay suporta sa mga dayuhan sa mga evacuation shelter (kasalukuyang nasa preperasyon)
Petsa/Oras | (walang tiyak na petsa) |
---|---|
Lugar | |
Detalye | Aktual na pangyayari tungkol sa operasyon ukol sa mga dayuhan at patakaran sa loob ng evacuation shelters, at may hands-on |
Maaring sumali | Mga staff ng Ise City |
Bayad sa partisipasyon | Walang bayad |
Para sa Impormasyon | Mie International Exchange Foundation (MIEF) UST-Tsu Bldg. 3rd Flr., Hadokoro-Cho 700, Tsu-shi TEL:059-223-5006 / FAX: 059-223-5007 / E-mail: mief@mief.or.jp |
■Pagsasagawa ng meeting para sa pagpaplano
Petsa/Oras |
Mga Nilalaman |
---|---|
Ika-1 Pagpupulong November 25, 2016 (Biyernes) | Pagpapaliwanag tungkol sa consignment sa pagitan ng Prepektura, pagbibigay ng report sa mga proyekto ng nakaraang taon at tungkol sa "disaster prevention para sa mga Dayuhan" at "pagbibigay suporta para sa mga dayuhan sa mga evacuation shelter". |
Ika-2 Pagpupulong Pebrero, 2017 (walang tiyak na petsa) | (hindi pa nakatakda) |