Pagsasanay hinggil sa Suportang Kinakailangan sa Panahon ng Kalamidad
Ang bansang hapon ay dumanas ng malaking LINDOL sa silangang bahagi nito. Dahil dito, kinakailangan ang sapat na paghahanda sa inaasahang malaking lindol na darating sa hinaharap.? Dito rin sa lugar ng Mie,? ang alalahanin sa? pagkakaroon ng malaking lindol sa lugar ng “ [Tokai], [Tonankai], [Nankai] ” ay ?kinakailangang paghandaan na mabuti.? Karamihan sa mga dayuhan residente ay kulang sa karanasan at kaalaman tungkol sa paghahanda sa kalamidad.? Kulang din sila sa impormasyon tungkol? sa kalamidad na nakasalin sa wikang banyaga.? Dahil dito,masasabing mahina ang katayuan ng dayuhan residente tungkol sa anumang may kinalaman sa kalamidad.
Magsasagawa ng pangkalahatang pagsasanay upang masuportahan ang mga dayuhang residente sa panahon ng kalamidad.? Kasabay nito, magkakaroon din ng pagpupulong ?tungkol sa paghahanda sa sakuna o kalamidad para sa kanila.? Nais ipaabot sa dayuhang residente ang kahalagahan ng pagprotekta sa sarili at ang ?pakikipagtulungan sa kapwa.? Mithiin din na lumawak ang kaalaman ?tungkol sa maaring maganap na kalamidad sa sariling komunidad.? Sa gitna ng pagsasanay, magkakaroon din ng pagsasanay na kasama ang lahat ng dumalo at mag-iikot sa mga “Evacuation Centers”. Inaanyayahan naming kayong dumalo!
PAGSASANAY NG MGA DAYUHANG RESIDENTE ?SA PAGHAHANDA SA SAKUNA O KALAMIDAD
Magkakaroon ng malawig na pagsasanay sa sariling lugar kasama ang mga dayuhang residente at lahat ng ?taong nakatira dito sa komunidad.
(Taong 2012)-Sa kasalukuyan, pinag-iisipan pa kung saan at kailan gaganapin. Ipagbibigay alam namin kapag napagdesisyunan na.
PAGSASANAY NG MGA TAGASUPORTA SA MGA ?DAYUHANG RESIDENTE ?SA PANAHON NG KALAMIDAD
Magkakaroon ng pag-aaral tungkol sa kalamidad para sa mga dayuhang residente.? Ang pag?aaral ay nahahati sa dalawang bahagi.? (1)? basic o pundasyon na pag-aaral para sa hinaharap.? (2)? Magtatatag ng “Support Center” para sa pagsasanay ?ng mga taong magiging tulay sa pagsasalin sa ibat-ibang wika.
(taong 2012)-Sa ngayon,pinag-iisipan pa kung saan at kailan gaganapin ito.Ipagbibigay alam naming kapag napagdesisyunan na.
KIT PARA SA PAGSUPORTA NG MGA DAYUHAN SA PANAHON NG KALAMIDAD(Tsu*Ta*Wa*Ru*Kit)
Upang magkaroon ng matiwasay na pagsuporta sa mga dayuhang biktima sa panahon ng kalamidad na nasasakupan ng prepektura, nilikha ang? (TSU*TA*WA*RU KIT).? Magagamit ?rin ito bilang basehan kung papaano masuportahan ang mga dayuhan sa hinaharap.? Sa taong ito,ang nasabing kit ay ipapahayag ?sa lahat, maari din itong ipahiram at susubukan ang mga nilalaman nito at sasaliksikin kung ano ang kailangan at hindi.
【▲Nilalaman ng TSU・TA・WA・RU ?KIT】 【▲Pictogram ng TSU・TA・WA・RU KIT】